Maraming sikat na tao sa mundo ang hindi pa nakakahanap ng pagmamahal na nagtatagal. Pero sa iyo, ito ay maaring mangyari.
Para bang sa ilalim ng iyong kalooban ay mayroong isang butas na hindi kayang punuan nang kahit na isang daang mangingibig. Pero, mayroon ka pa ring pag-asa.
Mangarap ka
Gaano dapat maging maganda ang isang babae bago niya maramdaman na hindi na niya kailangan ang pag-ibig.
Ilang beses ba na kailangan ng isang lalaki na makakita ng isang hubad na babae para maibsan ang nararamdamang kalungkutan?
Lahat ng bagay na nasa ating sarili ay naghahangad ng pag-ibig. Walang bagay na pwedeng pumalit dito. Pinag-aralan ng mga siyentipiko ang mga tao na hindi mapigilan ang kinagawiang pakikipagtalik na walang kinalaman sa pag-ibig ang pagtingin sa larawan, pagpapakita ng kanilang sarili sa ibang tao, pakikipagtalik sa pamamagitan ng telepono at marami pang iba. Napag-aralan nila na ang mga taong ito ay isinulong ng pangangailangan ng pagmamahal.
Pero ang pagmamahal ay mapanganib Ang kagandahan ay kumukupas. Ang tao ay nagbabago. Sa ano mang oras, ay pwedeng mawala sa atin ang ating mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng kamatayan o sa iba pa mang kapamaraanan. Kung gaano katindi ang pagmamahal natin ganon din katindi ang sakit kapag tayo ay nabigo.
Kung ang katotohanan ay nag-iiwan sa atin ng kalungkutan, gayon din naman, ang ating mga pangarap ay mahirap makamtan. Amg ating mga lihim na hangarin ay parang malayong abutin kaya kung minsan ay hindi na natin ito gustong isispin, pero gayon pa man ay hindi pa rin natin ito malimut-limutan at pilit pa rin itong sumasagi sa ating isipan.
Kahit sa isang saglit, harapin mo ang iyong pinaka dakilang hangarin, kahit na mukhang imposibleng marating. Hamunin mong makita ang bunga ng iyong hinahangad.
Naghahangad ka ng tao na
* pwede mong maipagmalaki habang buhay
* pagkatiwalaan ng lubusan
* na hindi mo na kailangang magkunwari kapag kasama mo siya
Ang lihim mong pangarap ay ang magkaroon ng
makakasama
* na hindi lamang narinig ang lahat ng dinanas mo sa buhay mula nang ikaw ay isinilang pero isang tao na nandoon ng lahat ng mga ito ay nangyari.
* na lubos at laging nakaka-intindi sa yo
* na ang pag-iisip, kalakasan, at kagandahan ay hindi kumukupas sa paglipas ng panahon.
Kailangan mo ng isang tao na
* masasapatan ang iyong mga pangangailangan na para bang kayong dalawa ay ginawa para sa isat isa
* makapag-papalabas ng kagandahan sa yo, tutulungan ka na maabot ang tagumpay na kaya mong marating
* hindi lang nakiki-dalamhati sa sakit na iyong nararamdaman pero isang tao na pwede rin tumulong sayo kahit na gaano kahirap ang iyong pangangailangan
* alam ang lahat ng iyong sekreto, ang iyong iniisip, pero ganumpaman ay hindi nagbabago ang pagtingin sa iyo
* na laging kasama mo, kahit nasaan ka man, kung kailan mo ninanais
* na habang buhay na magmamahal ng higit sa yo at magbibigay sayo ng kasiyahan
Gusto mo ng kasama na laging tutulong sa yo, pero hindi magiging hadlang sa paglago mo bilang tao; isang tao na hindi magsasawa sa yo, isang tao na hindi nagbabago.
Higit sa lahat, ayaw mo na magkaroon ng takot na mawala ang isang tao na higit na mahalaga sayo. Kailangan mo ng kasama na hindi kailanman pwedeng madapuan ng sakit o habulin ng kamatayan.
Ito ay isang kalokohan!
Ang taong ito ay kailangang maging Diyos para maibigay ang lahat ng ito sa atin. At papaano niya tayo matutulungan? Tayo ay laman at dugo lamang. Ang Diyos, kung siya man ay totoo, ay isang malayo at hindi kilalang Spirito.
Ang isipin na pwede tayong makipag-kaibigan sa Diyos ay kalokohan. Di kaya? Sa mga lugar na lingid sa ating kaalaman, lahat ay pwedeng magka-totoo kahit ang Diyos na handang pumasok sa ating buhay. Bakit ba tayo ay may mithiin na hindi mabigyan ng kaganapan? Ang Diyos ba na lumikha sa atin ay nakikipaglaro lamang? O baka kaya ang mga pangarap mong ito na magkaroon ng tanging kasama sa buhay ay inilagay niya sayo dahil gusto niya na makamtan mo ang pangaganilangan mong ito sa pamamagitan ng pagiging matalik mong kaibigan? O di kaya, kaya lamang mukhang malamig siya at walang pakiramdam ay dahil hindi mo siya kilala? Kung ang Diyos ay walang pakiramdam o hindi marunong magmahal o magsalita, lumalabas na mas mahusay o mas may kaya pa tayo sa Diyos na lumikha sa atin. Kung kaya nating gawin ang mga ito, mas lalo na ang ating Tagapaglikha at mas higit pa sa iyong iniisip. Ang Diyos ay may pusong masigla.
Pero sinisira ng Diyos ang ating kaligayahan! O ang kasalanan ang sumisira sa ating kaligayahan pinangangakuan tayo ng marami at pagkatapos ay iiwanan tayo ng may masamang pakiramdam, sakit ng ulo pagkatapos makipag-inuman, ang hindi inaasahang sanggol sa tiyan, sakit na nakukuha sa pakikipagtaklik, ang hiya, ang mga sakit na idinudulot nito, ang pag-uusig ng damdamin. Makipagusap ka sa tao na nasaktan ng dahilan sa kasalanan ng iba mga tao na napagnakawan, mga tao na bigla na lang iniwan ng kanilang mga asawa. At yung mga tao na nalaman na hindi nila kayang pigilan ang mga masasamang gawain na dati rati lamang ay gusto nilang gawin? Tanungin mo ang mga taong ito kung ang gawain ng Diyos ang nakapagpasira sa kanilang kaligayahahn.
Pero ang Diyos ay hindi kawiliwili. Sigurado ka ba? Ang Diyos na kayang gawin ang lahat mga bagay na kamangha-mangha na hindi natin kayang malubos maisip. Hindi bat isang buhay na punong puno ng surpresa ang magmahal sa isang tao na kayang gumawa ng higit pa sa iyong pinapangarap?
Ang nakakaaliw na Taong ito, na ang walang hangang pagkakaibigan at walang hangang kapangyarihan ay kayang punuan ang hindi mapunuang butas sa kalooban mo, ay ang isang kasama sa buhay na iyong minimithi?
Pero kailangan ko ng isang tao na pwede kong mahawakan. Alam ng Diyos ang iyong mga pangangailangan.
Ang Pinakamatinding pag-iibigan
Ikaw ay lubos na minamahal. Sa ibang tao, ikaw ay maaaring isa lamang sa nakararami, pero hindi sa Kanya na lumikha sa yo. Sa mga mata ng pinakamahalagang Tao sa mundo, ikaw ay natatangi. Ikaw ay mahalaga sa kanya at ang gusto niya para sayo ay ang maging kabiyak mo sa buhay.
Kapag nanalig ka sa isang tao, hindi ibig sabihin nito ay kasal ka na sa kanya. At hindi rin ibig sabihin na kapag naniwala ka sa Diyos ay may karapatan ka nang mamuhay na kasama siya. Hindi sapat ang pumunta ka sa simbahan. Ang tunay na pag-iisang dibdib ay ang maniwala ng lubos sa isang tao, ang ibigay ang buong buhay mo at lahat ng nasasayo sa kanya habang ikaw ay nabubuhay. Ang Diyos na lumikha sayo ay ninanais na gawin ang lahat ng ito para sayo. Pero tulad ng pag-aasawa, kailangan ng pagtutulungan upang magtagumpay ang pagsasama.
Kung ang isang palaboy na babae ay ikinasal o nakapag-asawa ng isang mayaman na lalaki, ang lalaking ito ang aako ng kanyang kahihiyan at ang babae naman ang magtatamo ng kanyang karangalan. Mamamana ng babae ang kayamanan ng lalaki at ang lalaki naman ang mag-babayad ng kanyang mga pagkakautang. At para mangyari ito, kailangan na talikuran niya ang ibang lalaki at ibigay ang buong sarili (at lahat ng kanyang pag-aari) sa lalaking ito na kanyang pakakasalan. At ialay niya sa kanyang minamahal ang lahat ng bagay na mayroon siya. Ibibigay ng lalaki ang lahat ng mayroon siya kung ibibigay din ng babae ang lahat ng kanyang pag-aari.
Sa parehong pamamaraan, kung ibibigay natin sa Diyos ang lahat lahat sa atin, ang ating panahon, ang ating pakiki-pagkaibigan, at lahat ng ating pag-aari, ibibigay din niya sa atin ang lahat ng kung anong meron siya. Ibigay natin kay Hesus ang lahat ng nakahihiyang bagay na ating nagawa, isuko natin ang kahit na ang pinaka paborito nating mga maling gawain. Nagiging Kanya ang mga ito. Ito ang naging dahilan ng kanyang kamatayan. Bilang kapalit, ang kabutihan ni Hesus at ang kanyang kalubusan ay nagiging atin, para maramdaman natin ang lubos na kaligayahan ng pakikipg-kaibigan sa banal na Diyos.
Sa pagiging isa sa Kanya, binibigyan natin siya ng karapatan na gawin ang lahat ng gusto niya sa lahat ng ating pag-aari, pero ang Panginoon na may ari ng sanlibutan ay binigyan tayo ng karapatan na gamitin ang kanyang kayamanan. Ipinagpalit natin ang ating kakayanan sa kanyang walang hanggang kapangyarihan at ang ating pagtatangka na palakarin ang ating buhay, sa kanyang walang hanggang karunungan. Ibigay natin sa kanya ang ating panahon dito sa lupa at ibibigay niya sa atin ang buhay na walang hanggan.
Sa lahat ng pamamaraan, ikaw ang nakikinabang sa handog sayo ng Panginoon at siya naman ang natatalo. Ninanais niya na ang banal ang pag-iisa niya sayo ng higit pa sa iyong inaakala. Huwag mong siyang palungkutin sa pagpigil mo.
Ang pag-iisang dib-dib na gawa sa langit
Ang mga sumusunod ay parang isang pag-iisang dib-dib na kung saan ibibigay
mo ang iyong buhay sa Panginoon at gawin siya na iyong Diyos. Sa kabilang
banda, ang Hari ang mga hari, ay gagawin kang karapat-dapat na makasapi sa
Kanya, at ipinapangako niya na ibibigay niya ang kanyang sarili ng buong buo
sayo. Ang mga sumusunod ay inilalarawan ang iyong nararamdaman, maaari mo
itong gawing dasal sa pamamagitan ng pag bigkas mo nito sa Panginoon.
Masakit tangagapin kung gaano ako naging masama. Dinulutan kita ng lungkot ngunit ipinadala mo pa rin ang iyong anak na ibinigay sa akin ang kanyang buhay at pinawalang bisa ang kamatayan, nang sa gayon ay hindi ako ang magtamo ng kaparusahan na karapat-dapat kong lamang na tangapin.
Ibinigay mo ng buong buo ang iyong buhay sa akin at inaasam ko rin na ikaw ay mahalin sa pamamagitan ng pag-aalay ng aking sarili sa iyo. Gusto kong malugod ka sa pagbibigay ko ng lahat ng bagay na mayroon ako sayo. Ikaw ay aking mamahalin, ikararangal, at susundin. Ibinibigay ko sayo lahat ng mga nagawa kong pagkakamali. Tinatangap ko na ngayon ay itinuturing mo na ako na parang walang naging pagkakasala sa buhay at ngayon ay ibinigay mo na akin ang kapangyarihan na mamuhay ng nakalulugod sayo.
Salamat at sinimulan mo na ang ating pagiging matalik na magkaibigan na napakamakapangyarihan na kahit ang kamatayan ay hindi maaaring sumira nito.
Alam ng Diyos ng langit at lupa ang lahat ng iyong iniisip. Kung tapat mong ipinalangin ang dasal na ito, ngayon ay nakapasok ka na sa bagong ispiritwal na mundo. Mahirap itong paniwalaan. Ang lahat ay parang pareho lamang. Ngunit hindi sa mata ng kalangitan, Ang iyong nakapagpapa-bagong buhay ng pag-aasawa ay nagumpisa na.
Ang pruweba ay hindi nakasalalay sa iyong mga nararamdaman (tulad ng kung ikaw ay masaya o inuusig ng iyong damdamin) kungdi sa katapatan ng ating Panginoon. Ibinigay niya ang kaniyang salita (bibliya) na kung sino man ang tumalikod sa kasalanan at ang tumingin kay Hesus upang maging malinis ay mayroong panibagong hinaharap. Hindi sinungaling ang Diyos.
Kung ito ang una mong pagkakataon na matapat na nanalangin ng ganitong panalangin, kailangan mo kaagad ng karagdagang tulong. Sulatan mo ako ngayon. Kahit kaunting salita lamang mula sa yo ay makapag-bibigay na sa akin ng daan upang ikaw ay mapanalangin at matulungan.
tagalog@net-burst.net
salitang ingles lamang (Grantley Morris)